Napunta ako sa situation na hindi nko makaalis non, nagawa ko na, so dapat ko na harapin yun, dahil don, nagsulat na naman ako, habang nagte-take ng calls. nakakatawa pero nakakalibang. :))
Minsan naisip ko ang buhay natin ay parang chess,
touch move, pag nhwakan mo na kelangan mo nang galawin,
prang sa buhay pag napasok ka sa isang sitwasyon kelangan mo nlng hrapin ang katotohanan na andun kana, oo mdalas mgsisisi ka, pero ano nga bang magagawa mo e andun kna e. kapag natouch move ka, kelangan mong isipin ang goal mo, e bkt nga ba ako naglalaro ng chess? pano ako mananalo? naglalaro ako ng chess para magenjoy, at pano ako mananalo? edi dapat macheckmate ko ang kalaban ko!
Naglalaro ako ng chess para magenjoy so dapat ang buhay ay ineenjoy.
Ang first move sa chess, e ang first move mo para makamit ang goal na check mate,
pag nagkamali ka don, pwedeng ma-2 or 4 moves ka lang ng kalaban, talo kana.
so mas mgnda na simulan mo ang laro ng magandang first move, kase dun magsisimula ang lahat. Sa buhay, pag nagsimula ka ng mgandang move, maganda din ang ending neto, pero pano kung first move plang mali na? hindi mo na ito mababalik oo, pero first move plang e, mahaba pa ang laro :)
Sa chess, kelangan ng strategy, kase pag wala ka non, malamang mabilis na mttpos ang laro, sa buhay kelangan ng diskarte, kase pag ngkamali ka, kelangan mo na gumwa ng paraan para baligtarin ang sitwasyon, mdalas kase kala mo panalo kana, dami mo pa pieces, yun pla gumwa na ng strategy ang kalaban para macorner ang king mo at mgugulat ka nlng checkmate kna pla? tsk tsk tsk.
Sa bawat move ggwin ntn, merong regrets, pero sa bawat regret, merong lesson. hindi mo na kayang ibalik pa ang move na yun na sanang makakapag panalo sayo, pero dapat natutunan mo sa susunod, isipin mo muna ang gagawin mong move, kase baka pagsisihan mo yun habang buhay.
Sacrifice ang pawn, sacrifice ang bishop, ang rook at minsan ang queen, para lang sa checkmate, sa buhay, minsan nagsasacrifice din tayo para lang makamtan natin ang goal natin, example? edi ung mga panganay na nagwowork nalang para sa kapatid nila na makatapos, sacrifice para sa pamilya, Ganun talaga. Goal = Check mate eh.
Pero ang iba kahit matatapos na ang laro,at alam nilang talo na sila, nagiging positive parin. Baka nga naman kase magkamali pa ung kalaban eh, manalo pa sya.
Pero sa totoo lang, kahit matalo ako sa laro, okay lang. Maglalaro nalang ulit ako! Maglalaro ako ng maglalaro hanggang sa makuha ko ang goal ko. Kasi hindi sa lahat ng laban, panalo tayo, minsan talo din. Kelangan lang natin maging sports at bumawi sa susunod. :)
Tsong, Mate kana.
No comments:
Post a Comment