Tuesday, September 7, 2010

sumisikat parin ang araw. :)

i tried to write again... weird. thanks Marcelo :)) trial number 1.

Ako si Nik, Part time call center agent. Ang pasok ko lagi ay bago mag-6 ng umaga, kaya lagi kong naabutan ang pagsikat ng araw pag dadaan ako sa footbridge, minsan nga pinipicturan ko pa kahit malalate na ako. Sumikat ulit ang araw, hatid ang bagong pag-asa para sa kahit sinong tao.

Sumisikat ang araw para sa mahihirap, sa mayayaman; sa malungkot, sa masaya; sa may sakit, sa malusog; sa mabuti, sa masama; sa nangangarap, sa hindi; sa nakakakita, o kahit sa bulag pa. Kahit sino ka pa, sisikat ang araw para sayo hatid ang bagong pag-asa na may magandang mangyayari sa araw na yon. E paano kaya kung hindi na sumikat ang araw para sakin? Wag naman. Kase hindi ko pa sya nakikilala.

Araw-araw habang tumatawid ng footbridge, naiisip ko yan. Kelan ko kaya sya makikilala? Ngayong araw kaya? O bukas? Sa susunod na araw? Paano kaya kame magkakakilala? Magkakabangga? May maiiwan akong gamit tapos ibibigay niya sakin? Yung parang sa movies kaya? O... baka naman... kilala ko na pala sya pero hindi ko alam na kame pala?.. Labo. Pero ang alam ko, sumisikat din ang araw para sa kanya. Atleast, may pinagkaparehas kame. :)

Sino nga kaya sya? Halos dalawang taon narin, nang huling sumikat ang araw na may kasama ako... Mabilis na lumipas ang dalawang taon na yun, pero sa halos dalawang taon na yon na sumikat ang araw, walang dumating. o baka naman may dumating pero hindi ko namalayan?
Labo, dalawang taon ba ulit ang hihintayin ko? Ang tagal naman. Nakakainip.

Sa palagay ko, totoo ang sabi nila, may kanya kanya tayong kanya. Pero iniisip ko, paano kaya yung matatandang dalaga at binata? Namatay na kaya yung para sa kanila? O pinili nila yun? O tumanda nalang sila kakahintay? Nakakalungkot naman isipin kung magiging isa ako sa kanila balang araw. Wag naman. Kase gusto ko talaga sya makilala.

1,2,3,4,5. Isa lang ako sa maraming naghihintay ng para sa kanila. Yung laging nagtatanong ng kelan, yung umaasa na isang araw may dadating o may aamin. Ewan, pero ang alam ko, basta sumisikat ang araw, may pag-asa parin.

Ako si Nik, at patuloy na sumisikat ang araw para sa akin. :)

sorry, :)) bored ako brownout kase kahapon :))

No comments:

Post a Comment